Jeremias 32

Dadalhin ko si Zedequias sa Babilonia at mananatili siya roon hanggang sa matapos ang pagpaparusa sa kanya. Lumaban man kayo sa mga taga-Babilonia, hindi rin kayo magtatagumpay. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”

Jeremiah 32:5 (UKJV) And he shall lead Zedekiah to Babylon, and there shall he be until I visit him, says the LORD: though all of you fight with the Chaldeans, all of you shall not prosper.

3Ikinulong siya roon ni Haring Zedequias na hari ng Juda dahil sa kanyang ipinahayag. Sapagkat sinasabi ni Jeremias, “Ito ang sinasabi ng Panginoon: Ibibigay ko ang lungsod na ito sa hari ng Babilonia at sasakupin niya ito.

4Si Zedequias na hari ng Juda ay mabibihag ng mga taga-Babilonia at siyaʼy dadalhin sa hari ng Babilonia. Kakausapin niya ito nang harapan at magkikita sila nang mukha sa mukha.

5Dadalhin ko si Zedequias sa Babilonia at mananatili siya roon hanggang sa matapos ang pagpaparusa sa kanya. Lumaban man kayo sa mga taga-Babilonia, hindi rin kayo magtatagumpay. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”

6Sinabi pa ni Jeremias, “Sinabi sa akin ng Panginoon na

7si Hanamel na anak ng tiyo kong si Salum ay lalapit sa akin at magsasabi, ‘Bilhin mo ang bukid ko sa Anatot. Dahil ikaw ang pinakamalapít kong kamag-anak, may karapatan at tungkulin kang bilhin ito.’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.