Jeremias 32

Sinabi pa ni Jeremias, “Sinabi sa akin ng Panginoon na

Jeremiah 32:6 (UKJV) And Jeremiah said, The word of the LORD came unto me, saying,

4Si Zedequias na hari ng Juda ay mabibihag ng mga taga-Babilonia at siyaʼy dadalhin sa hari ng Babilonia. Kakausapin niya ito nang harapan at magkikita sila nang mukha sa mukha.

5Dadalhin ko si Zedequias sa Babilonia at mananatili siya roon hanggang sa matapos ang pagpaparusa sa kanya. Lumaban man kayo sa mga taga-Babilonia, hindi rin kayo magtatagumpay. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”

6Sinabi pa ni Jeremias, “Sinabi sa akin ng Panginoon na

7si Hanamel na anak ng tiyo kong si Salum ay lalapit sa akin at magsasabi, ‘Bilhin mo ang bukid ko sa Anatot. Dahil ikaw ang pinakamalapít kong kamag-anak, may karapatan at tungkulin kang bilhin ito.’

8“Gaya nga ng sinabi sa akin ng Panginoon, pumunta sa akin si Hanamel na pinsan ko roon sa himpilan ng mga guwardiya. Sinabi niya sa akin, ‘Bilhin mo ang bukid ko roon sa Anatot sa lupain ng lahi ni Benjamin. May karapatan at tungkulin ka upang tubusin at mapasaiyo, kaya bilhin mo na iyon.’ ” Alam kong kalooban ito ng Panginoon,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.