Jeremias 32

si Hanamel na anak ng tiyo kong si Salum ay lalapit sa akin at magsasabi, ‘Bilhin mo ang bukid ko sa Anatot. Dahil ikaw ang pinakamalapít kong kamag-anak, may karapatan at tungkulin kang bilhin ito.’

Jeremiah 32:7 (UKJV) Behold, Hanameel the son of Shallum yours uncle shall come unto you saying, Buy you my field that is in Anathoth: for the right of redemption is yours to buy it.

5Dadalhin ko si Zedequias sa Babilonia at mananatili siya roon hanggang sa matapos ang pagpaparusa sa kanya. Lumaban man kayo sa mga taga-Babilonia, hindi rin kayo magtatagumpay. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”

6Sinabi pa ni Jeremias, “Sinabi sa akin ng Panginoon na

7si Hanamel na anak ng tiyo kong si Salum ay lalapit sa akin at magsasabi, ‘Bilhin mo ang bukid ko sa Anatot. Dahil ikaw ang pinakamalapít kong kamag-anak, may karapatan at tungkulin kang bilhin ito.’

8“Gaya nga ng sinabi sa akin ng Panginoon, pumunta sa akin si Hanamel na pinsan ko roon sa himpilan ng mga guwardiya. Sinabi niya sa akin, ‘Bilhin mo ang bukid ko roon sa Anatot sa lupain ng lahi ni Benjamin. May karapatan at tungkulin ka upang tubusin at mapasaiyo, kaya bilhin mo na iyon.’ ” Alam kong kalooban ito ng Panginoon,

9kaya binili ko ang bukid na iyon kay Hanamel sa halagang labimpitong pirasong pilak.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.