Jeremias 32

“Gaya nga ng sinabi sa akin ng Panginoon, pumunta sa akin si Hanamel na pinsan ko roon sa himpilan ng mga guwardiya. Sinabi niya sa akin, ‘Bilhin mo ang bukid ko roon sa Anatot sa lupain ng lahi ni Benjamin. May karapatan at tungkulin ka upang tubusin at mapasaiyo, kaya bilhin mo na iyon.’ ” Alam kong kalooban ito ng Panginoon,

Jeremiah 32:8 (UKJV) So Hanameel mine uncle's son came to me in the court of the prison according to the word of the LORD, and said unto me, Buy my field, I pray you, that is in Anathoth, which is in the country of Benjamin: for the right of inheritance is yours, and the redemption is yours; buy it for yourself. Then I knew that this was the word of the LORD.

6Sinabi pa ni Jeremias, “Sinabi sa akin ng Panginoon na

7si Hanamel na anak ng tiyo kong si Salum ay lalapit sa akin at magsasabi, ‘Bilhin mo ang bukid ko sa Anatot. Dahil ikaw ang pinakamalapít kong kamag-anak, may karapatan at tungkulin kang bilhin ito.’

8“Gaya nga ng sinabi sa akin ng Panginoon, pumunta sa akin si Hanamel na pinsan ko roon sa himpilan ng mga guwardiya. Sinabi niya sa akin, ‘Bilhin mo ang bukid ko roon sa Anatot sa lupain ng lahi ni Benjamin. May karapatan at tungkulin ka upang tubusin at mapasaiyo, kaya bilhin mo na iyon.’ ” Alam kong kalooban ito ng Panginoon,

9kaya binili ko ang bukid na iyon kay Hanamel sa halagang labimpitong pirasong pilak.

10Nilagdaan at tinatakan niya ang mga kasulatan ng bilihan sa harap ng mga saksi at tinimbang ang pilak bilang kabayaran.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.