Jeremias 32

Kaya ito ang sinasabi ng Panginoon: Ibibigay ko ang lungsod na ito sa mga taga-Babilonia at sa hari nilang si Nebucadnezar, at mapapasakanila ito.

Jeremiah 32:28 (UKJV) Therefore thus says the LORD; Behold, I will give this city into the hand of the Chaldeans, and into the hand of Nebuchadrezzar king of Babylon, and he shall take it:

26Kaya sinabi ng Panginoon kay Jeremias,

27“Ako ang Panginoon, ang Diyos ng lahat ng tao. Mayroon bang bagay na hindi ko magagawa?

28Kaya ito ang sinasabi ng Panginoon: Ibibigay ko ang lungsod na ito sa mga taga-Babilonia at sa hari nilang si Nebucadnezar, at mapapasakanila ito.

29Susunugin ng mga Caldeo ang lungsod na ito, pati na ang mga bahay na ang bubungan ay pinagsusunugan ng mga insensong para kay Baal at pinaghahandugan ng mga handog na inumin para sa mga diyos-diyosang labis kong ikinagalit.

30“Mula pa noong una, wala nang ginawa ang mga taga-Israel at taga-Juda kundi puro kasamaan. Ginalit nila ako sa pamamagitan ng mga ginagawa nila, sabi ng Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.