28Kaya ito ang sinasabi ng Panginoon: Ibibigay ko ang lungsod na ito sa mga taga-Babilonia at sa hari nilang si Nebucadnezar, at mapapasakanila ito.
29Susunugin ng mga Caldeo ang lungsod na ito, pati na ang mga bahay na ang bubungan ay pinagsusunugan ng mga insensong para kay Baal at pinaghahandugan ng mga handog na inumin para sa mga diyos-diyosang labis kong ikinagalit.
30“Mula pa noong una, wala nang ginawa ang mga taga-Israel at taga-Juda kundi puro kasamaan. Ginalit nila ako sa pamamagitan ng mga ginagawa nila, sabi ng Panginoon.
31Mula nang itayo ang lungsod na ito hanggang ngayon, ginagalit ako ng mga mamamayan nito. Kaya wawasakin ko na ito.
32Ginagalit ako ng mga taga-Israel at taga-Juda dahil sa masasama nilang ginagawa. Lahat sila; ang kanilang mga hari at pinuno, mga pari at propeta, at ang mga taga-Jerusalem.