Jeremias 32

Susunugin ng mga Caldeo ang lungsod na ito, pati na ang mga bahay na ang bubungan ay pinagsusunugan ng mga insensong para kay Baal at pinaghahandugan ng mga handog na inumin para sa mga diyos-diyosang labis kong ikinagalit.

Jeremiah 32:29 (UKJV) And the Chaldeans, that fight against this city, shall come and set fire on this city, and burn it with the houses, upon whose roofs they have offered incense unto Baal, and poured out drink offerings unto other gods, to provoke me to anger.

27“Ako ang Panginoon, ang Diyos ng lahat ng tao. Mayroon bang bagay na hindi ko magagawa?

28Kaya ito ang sinasabi ng Panginoon: Ibibigay ko ang lungsod na ito sa mga taga-Babilonia at sa hari nilang si Nebucadnezar, at mapapasakanila ito.

29Susunugin ng mga Caldeo ang lungsod na ito, pati na ang mga bahay na ang bubungan ay pinagsusunugan ng mga insensong para kay Baal at pinaghahandugan ng mga handog na inumin para sa mga diyos-diyosang labis kong ikinagalit.

30“Mula pa noong una, wala nang ginawa ang mga taga-Israel at taga-Juda kundi puro kasamaan. Ginalit nila ako sa pamamagitan ng mga ginagawa nila, sabi ng Panginoon.

31Mula nang itayo ang lungsod na ito hanggang ngayon, ginagalit ako ng mga mamamayan nito. Kaya wawasakin ko na ito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.