Jeremias 33

Sapagkat ito ang sinasabi ng Panginoon: ‘Si David ay laging magkakaroon ng angkang maghahari sa mga mamamayan ng Israel.

Jeremiah 33:17 (UKJV) For thus says the LORD; David shall never lack a man to sit upon the throne of the house of Israel;

15Sa panahong iyon, pamamahalain ko ang haring matuwid na mula sa angkan ni David. Paiiralin niya ang katarungan at katuwiran sa buong lupain.

16At sa panahon ding iyon maliligtas ang mga taga-Juda at mamumuhay nang payapa ang mga taga-Jerusalem. Ang Jerusalem ay tatawaging: Ang Panginoon ang Ating Katuwiran.’

17Sapagkat ito ang sinasabi ng Panginoon: ‘Si David ay laging magkakaroon ng angkang maghahari sa mga mamamayan ng Israel.

18At palagi ring magkakaroon ng mga pari na mga Levita na maglilingkod sa akin at mag-aalay ng mga handog na sinusunog, handog na pagpaparangal, at iba pang mga handog.’ ”

19At sinabi ng Panginoon kay Jeremias,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.