14“ ‘Darating ang araw,’ sabi ng Panginoon, ‘na tutuparin ko ang mga kabutihang ipinangako ko sa mga mamamayan ng Israel at Juda.
15Sa panahong iyon, pamamahalain ko ang haring matuwid na mula sa angkan ni David. Paiiralin niya ang katarungan at katuwiran sa buong lupain.
16At sa panahon ding iyon maliligtas ang mga taga-Juda at mamumuhay nang payapa ang mga taga-Jerusalem. Ang Jerusalem ay tatawaging: Ang Panginoon ang Ating Katuwiran.’
17Sapagkat ito ang sinasabi ng Panginoon: ‘Si David ay laging magkakaroon ng angkang maghahari sa mga mamamayan ng Israel.
18At palagi ring magkakaroon ng mga pari na mga Levita na maglilingkod sa akin at mag-aalay ng mga handog na sinusunog, handog na pagpaparangal, at iba pang mga handog.’ ”