Jeremias 33

Sa panahong iyon, pamamahalain ko ang haring matuwid na mula sa angkan ni David. Paiiralin niya ang katarungan at katuwiran sa buong lupain.

Jeremiah 33:15 (UKJV) In those days, and at that time, will I cause the Branch of righteousness to grow up unto David; and he shall execute judgment and righteousness in the land.

13Muling dadami ang kawan nila sa mga bayan sa kabundukan, sa mga kaburulan sa kanluran, sa Negeb, sa lupain ng Benjamin, sa mga lugar na nakapalibot sa Jerusalem at sa mga bayan ng Juda,’ sabi ng Panginoon.

14“ ‘Darating ang araw,’ sabi ng Panginoon, ‘na tutuparin ko ang mga kabutihang ipinangako ko sa mga mamamayan ng Israel at Juda.

15Sa panahong iyon, pamamahalain ko ang haring matuwid na mula sa angkan ni David. Paiiralin niya ang katarungan at katuwiran sa buong lupain.

16At sa panahon ding iyon maliligtas ang mga taga-Juda at mamumuhay nang payapa ang mga taga-Jerusalem. Ang Jerusalem ay tatawaging: Ang Panginoon ang Ating Katuwiran.’

17Sapagkat ito ang sinasabi ng Panginoon: ‘Si David ay laging magkakaroon ng angkang maghahari sa mga mamamayan ng Israel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.