Jeremias 33

Muling dadami ang kawan nila sa mga bayan sa kabundukan, sa mga kaburulan sa kanluran, sa Negeb, sa lupain ng Benjamin, sa mga lugar na nakapalibot sa Jerusalem at sa mga bayan ng Juda,’ sabi ng Panginoon.

Jeremiah 33:13 (UKJV) In the cities of the mountains, in the cities of the vale, and in the cities of the south, and in the land of Benjamin, and in the places about Jerusalem, and in the cities of Judah, shall the flocks pass again under the hands of him that tells them, says the LORD.

11Muling maririnig ang kagalakan ng mga bagong kasal, at ng mga taong nagdadala ng mga handog ng pasasalamat sa templo ng Panginoon. Sasabihin nila, “Magpasalamat tayo sa Panginoon ng mga Hukbo sapagkat napakabuti niya. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.” Talagang magsasaya ang mga tao sapagkat ibabalik ko ang mabuting kalagayan sa lupaing ito katulad noong una,’ sabi ng Panginoon.

12“Sinabi ng Panginoon ng mga Hukbo, ‘Kahit nakatiwangwang ang lupaing ito ngayon at walang tao at hayop, darating ang araw na magkakaroon ng mga pastulan sa lahat ng bayan na pagdadalhan ng mga pastol ng kanilang mga kawan.

13Muling dadami ang kawan nila sa mga bayan sa kabundukan, sa mga kaburulan sa kanluran, sa Negeb, sa lupain ng Benjamin, sa mga lugar na nakapalibot sa Jerusalem at sa mga bayan ng Juda,’ sabi ng Panginoon.

14“ ‘Darating ang araw,’ sabi ng Panginoon, ‘na tutuparin ko ang mga kabutihang ipinangako ko sa mga mamamayan ng Israel at Juda.

15Sa panahong iyon, pamamahalain ko ang haring matuwid na mula sa angkan ni David. Paiiralin niya ang katarungan at katuwiran sa buong lupain.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.