Jeremias 33

“Sinabi ng Panginoon ng mga Hukbo, ‘Kahit nakatiwangwang ang lupaing ito ngayon at walang tao at hayop, darating ang araw na magkakaroon ng mga pastulan sa lahat ng bayan na pagdadalhan ng mga pastol ng kanilang mga kawan.

Jeremiah 33:12 (UKJV) Thus says the LORD of hosts; Again in this place, which is desolate without man and without beast, and in all the cities thereof, shall be an habitation of shepherds causing their flocks to lie down.

10“Sinabi pa ng Panginoon, ‘Sinasabi ninyong malungkot, walang tao at mga hayop ang Juda at Jerusalem. Ngunit darating ang araw na muling mapapakinggan sa mga lugar na ito ang mga kasayahan at kagalakan.

11Muling maririnig ang kagalakan ng mga bagong kasal, at ng mga taong nagdadala ng mga handog ng pasasalamat sa templo ng Panginoon. Sasabihin nila, “Magpasalamat tayo sa Panginoon ng mga Hukbo sapagkat napakabuti niya. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.” Talagang magsasaya ang mga tao sapagkat ibabalik ko ang mabuting kalagayan sa lupaing ito katulad noong una,’ sabi ng Panginoon.

12“Sinabi ng Panginoon ng mga Hukbo, ‘Kahit nakatiwangwang ang lupaing ito ngayon at walang tao at hayop, darating ang araw na magkakaroon ng mga pastulan sa lahat ng bayan na pagdadalhan ng mga pastol ng kanilang mga kawan.

13Muling dadami ang kawan nila sa mga bayan sa kabundukan, sa mga kaburulan sa kanluran, sa Negeb, sa lupain ng Benjamin, sa mga lugar na nakapalibot sa Jerusalem at sa mga bayan ng Juda,’ sabi ng Panginoon.

14“ ‘Darating ang araw,’ sabi ng Panginoon, ‘na tutuparin ko ang mga kabutihang ipinangako ko sa mga mamamayan ng Israel at Juda.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.