Jeremias 33

Sapagkat ito ang sinasabi ng Panginoon, ang Diyos ng Israel tungkol sa mga ginibang bahay sa lungsod ng Jerusalem at sa palasyo ng hari ng Juda upang gawing mga pampatibay ng pader para hindi ito mapasok ng mga kaaway sa digmaan

Jeremiah 33:4 (UKJV) For thus says the LORD, the God of Israel, concerning the houses of this city, and concerning the houses of the kings of Judah, which are thrown down by the mounts, and by the sword;

2“Ito ang sinasabi ng Panginoong lumikha ng mundo at naghugis nito, Panginoon ang pangalan niya:

3‘Tumawag ka sa akin at sasagutin kita, at ipahahayag ko sa iyo ang mga kahanga-hanga at mahihiwagang bagay na hindi mo pa alam.’

4Sapagkat ito ang sinasabi ng Panginoon, ang Diyos ng Israel tungkol sa mga ginibang bahay sa lungsod ng Jerusalem at sa palasyo ng hari ng Juda upang gawing mga pampatibay ng pader para hindi ito mapasok ng mga kaaway sa digmaan

5laban sa mga taga-Babilonia: ‘Maraming tao ang mamamatay sa lungsod na ito dahil wawasakin ko ito sa tindi ng galit ko sa inyo. Itatakwil ko ang lungsod na ito dahil sa kasamaan nito.

6“ ‘Ngunit darating ang araw na pagagalingin ko ang lungsod na ito at ang mga mamamayan nito. At mamumuhay silang may kaunlaran at kapayapaan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.