Jeremias 33

“ ‘Ngunit darating ang araw na pagagalingin ko ang lungsod na ito at ang mga mamamayan nito. At mamumuhay silang may kaunlaran at kapayapaan.

Jeremiah 33:6 (UKJV) Behold, I will bring it health and cure, and I will cure them, and will reveal unto them the abundance of peace and truth.

4Sapagkat ito ang sinasabi ng Panginoon, ang Diyos ng Israel tungkol sa mga ginibang bahay sa lungsod ng Jerusalem at sa palasyo ng hari ng Juda upang gawing mga pampatibay ng pader para hindi ito mapasok ng mga kaaway sa digmaan

5laban sa mga taga-Babilonia: ‘Maraming tao ang mamamatay sa lungsod na ito dahil wawasakin ko ito sa tindi ng galit ko sa inyo. Itatakwil ko ang lungsod na ito dahil sa kasamaan nito.

6“ ‘Ngunit darating ang araw na pagagalingin ko ang lungsod na ito at ang mga mamamayan nito. At mamumuhay silang may kaunlaran at kapayapaan.

7Pababalikin ko ang mga taga-Israel at taga-Juda mula sa pagkakabihag, at itatayo ko ulit ang lungsod nila katulad noon.

8Lilinisin at patatawarin ko sila sa lahat ng kasalanang ginawa nila sa akin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.