1Habang nakakulong si Jeremias sa himpilan ng mga guwardiya ng palasyo, nagsalita ang Panginoon sa kanya sa pangalawang beses:
2“Ito ang sinasabi ng Panginoong lumikha ng mundo at naghugis nito, Panginoon ang pangalan niya:
3‘Tumawag ka sa akin at sasagutin kita, at ipahahayag ko sa iyo ang mga kahanga-hanga at mahihiwagang bagay na hindi mo pa alam.’
4Sapagkat ito ang sinasabi ng Panginoon, ang Diyos ng Israel tungkol sa mga ginibang bahay sa lungsod ng Jerusalem at sa palasyo ng hari ng Juda upang gawing mga pampatibay ng pader para hindi ito mapasok ng mga kaaway sa digmaan