Jeremias 34

kundi payapa kang mamamatay. Ang mga mamamayan moʼy magsusunog ng mga insenso upang parangalan ka, katulad ng ginawa nila sa paglilibing ng mga ninuno mo na mga naunang hari. Ipagluluksa ka nila at sasabihin nila, ‘Patay na ang aming hari!’ Dahil ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”

Jeremiah 34:5 (UKJV) But you shall die in peace: and with the burnings of your fathers, the former kings which were before you, so shall they burn odours for you; and they will lament you, saying, Ah lord! for I have pronounced the word, says the LORD.

3Hindi ka makakatakas sa mga kamay niya. Huhulihin ka at ibibigay sa hari ng Babilonia. Haharap ka sa kanya upang hatulan at dadalhin kang bihag sa Babilonia.

4Ngunit ikaw, Zedequias na hari ng Juda, pakinggan mo ang pangako ng Panginoon sa iyo: Hindi ka mamamatay sa digmaan,

5kundi payapa kang mamamatay. Ang mga mamamayan moʼy magsusunog ng mga insenso upang parangalan ka, katulad ng ginawa nila sa paglilibing ng mga ninuno mo na mga naunang hari. Ipagluluksa ka nila at sasabihin nila, ‘Patay na ang aming hari!’ Dahil ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”

6Pagkatapos, pumunta ang propetang si Jeremias sa Jerusalem, at sinabi ang lahat ng ito kay Zedequias na hari ng Juda.

7Sumasalakay na ng panahong iyon ang hukbo ng hari ng Babilonia sa Jerusalem, sa Laquis at sa Azeka. Ito na lang ang mga lungsod ng Juda na may mga pader.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.