Jeremias 35

‘Si Jonadab na anak ni Recab ay nag-utos sa mga angkan niya na hindi sila iinom ng alak, at sinunod nila ito. Hanggang ngayon hindi sila umiinom ng alak dahil sinusunod nila ang utos ng kanilang ninuno. Ngunit hindi kayo sumunod sa akin kahit ilang beses na akong nagsabi sa inyo

Jeremiah 35:14 (UKJV) The words of Jonadab the son of Rechab, that he commanded his sons not to drink wine, are performed; for unto this day they drink none, but obey their father's commandment: notwithstanding I have spoken unto you, rising early and speaking; but all of you hearkened not unto me.

12Sinabi pa ng Panginoon ng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel, kay Jeremias,

13“Ito ang sinasabi ng Panginoon ng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel: Pumunta ka sa mga mamamayan ng Juda at Jerusalem, at sabihin ito, ‘Bakit ayaw ninyong makinig sa mga itinuturo ko at ayaw ninyong sundin ang mga salita ko?’ sabi ng Panginoon.

14‘Si Jonadab na anak ni Recab ay nag-utos sa mga angkan niya na hindi sila iinom ng alak, at sinunod nila ito. Hanggang ngayon hindi sila umiinom ng alak dahil sinusunod nila ang utos ng kanilang ninuno. Ngunit hindi kayo sumunod sa akin kahit ilang beses na akong nagsabi sa inyo

15sa pamamagitan ng mga lingkod kong propeta. Sinabi nila sa inyo, “Talikuran na ninyo ang inyong masasamang ugali, baguhin na ninyo ang inyong pamumuhay, at huwag na kayong sumamba sa mga diyos-diyosan, upang patuloy kayong manirahan sa lupaing ibinigay ko sa inyo at sa mga ninuno ninyo.” Ngunit hindi kayo naniwala o sumunod sa akin.

16Sumunod sa utos ni Jonadab ang mga angkan niyang anak ni Recab. Ngunit kayoʼy hindi sumunod sa akin.’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.