Jeremias 35

sa pamamagitan ng mga lingkod kong propeta. Sinabi nila sa inyo, “Talikuran na ninyo ang inyong masasamang ugali, baguhin na ninyo ang inyong pamumuhay, at huwag na kayong sumamba sa mga diyos-diyosan, upang patuloy kayong manirahan sa lupaing ibinigay ko sa inyo at sa mga ninuno ninyo.” Ngunit hindi kayo naniwala o sumunod sa akin.

Jeremiah 35:15 (UKJV) I have sent also unto you all my servants the prophets, rising up early and sending them, saying, Return all of you now every man from his evil way, and amend your doings, and go not after other gods to serve them, and all of you shall dwell in the land which I have given to you and to your fathers: but all of you have not inclined your ear, nor hearkened unto me.

13“Ito ang sinasabi ng Panginoon ng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel: Pumunta ka sa mga mamamayan ng Juda at Jerusalem, at sabihin ito, ‘Bakit ayaw ninyong makinig sa mga itinuturo ko at ayaw ninyong sundin ang mga salita ko?’ sabi ng Panginoon.

14‘Si Jonadab na anak ni Recab ay nag-utos sa mga angkan niya na hindi sila iinom ng alak, at sinunod nila ito. Hanggang ngayon hindi sila umiinom ng alak dahil sinusunod nila ang utos ng kanilang ninuno. Ngunit hindi kayo sumunod sa akin kahit ilang beses na akong nagsabi sa inyo

15sa pamamagitan ng mga lingkod kong propeta. Sinabi nila sa inyo, “Talikuran na ninyo ang inyong masasamang ugali, baguhin na ninyo ang inyong pamumuhay, at huwag na kayong sumamba sa mga diyos-diyosan, upang patuloy kayong manirahan sa lupaing ibinigay ko sa inyo at sa mga ninuno ninyo.” Ngunit hindi kayo naniwala o sumunod sa akin.

16Sumunod sa utos ni Jonadab ang mga angkan niyang anak ni Recab. Ngunit kayoʼy hindi sumunod sa akin.’

17“Kaya ako, ang Panginoong Diyos ng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel, ay nagsasabi: ‘Makinig kayo! Kayong mga taga-Juda at taga-Jerusalem. Pasasapitin ko sa inyo ang kapahamakang sinabi ko laban sa inyo. Nakipag-usap ako sa inyo pero hindi kayo nakinig, tumawag ako sa inyo pero hindi kayo sumagot.’ ”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.