Jeremias 37

Sumagot si Jeremias, “Hindi totoo iyan! Hindi ako kakampi ng mga taga-Babilonia.” Ngunit ayaw maniwala ni Irijas, kaya hinuli niya si Jeremias at dinala sa mga pinuno.

Jeremiah 37:14 (UKJV) Then said Jeremiah, It is false; I fall not away to the Chaldeans. But he hearkened not to him: so Irijah took Jeremiah, and brought him to the princes.

12umalis si Jeremias sa Jerusalem at pumunta sa lupain ni Benjamin upang kunin ang bahagi ng lupain niya na ipinamahagi sa kanyang pamilya.

13Ngunit nang dumating siya sa Pintuang-bayan ng Benjamin, hinuli siya ng kapitan ng mga guwardiya na si Irijas na anak ni Shelemia at apo ni Hananias. Sinabi sa kanya ng kapitan, “Kakampi ka ng mga taga-Babilonia.”

14Sumagot si Jeremias, “Hindi totoo iyan! Hindi ako kakampi ng mga taga-Babilonia.” Ngunit ayaw maniwala ni Irijas, kaya hinuli niya si Jeremias at dinala sa mga pinuno.

15Nagalit sila kay Jeremias, ipinapalo nila siya at ipinakulong doon sa bahay ni Jonatan na opisyal na kalihim. Ang bahay na itoʼy ginawa nilang bilangguan.

16Ipinasok nila si Jeremias sa isang selda sa ilalim ng lupa at nanatili siya roon ng matagal.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.