Jeremias 37

Nagalit sila kay Jeremias, ipinapalo nila siya at ipinakulong doon sa bahay ni Jonatan na opisyal na kalihim. Ang bahay na itoʼy ginawa nilang bilangguan.

Jeremiah 37:15 (UKJV) Wherefore the princes were angry with Jeremiah, and stroke him, and put him in prison in the house of Jonathan the scribe: for they had made that the prison.

13Ngunit nang dumating siya sa Pintuang-bayan ng Benjamin, hinuli siya ng kapitan ng mga guwardiya na si Irijas na anak ni Shelemia at apo ni Hananias. Sinabi sa kanya ng kapitan, “Kakampi ka ng mga taga-Babilonia.”

14Sumagot si Jeremias, “Hindi totoo iyan! Hindi ako kakampi ng mga taga-Babilonia.” Ngunit ayaw maniwala ni Irijas, kaya hinuli niya si Jeremias at dinala sa mga pinuno.

15Nagalit sila kay Jeremias, ipinapalo nila siya at ipinakulong doon sa bahay ni Jonatan na opisyal na kalihim. Ang bahay na itoʼy ginawa nilang bilangguan.

16Ipinasok nila si Jeremias sa isang selda sa ilalim ng lupa at nanatili siya roon ng matagal.

17Kinalaunan, ipinakuha ni Haring Zedequias si Jeremias at dinala sa palasyo. Palihim niya itong tinanong, “May mensahe ka ba mula sa Panginoon?” Sumagot si Jeremias, “Mayroon! Ibibigay ka sa hari ng Babilonia.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.