Jeremias 38

Kaya kinuha nila si Jeremias sa kulungan at ibinaba nila sa balon na nasa himpilan ng mga guwardiya. Ang balon na ito ay pag-aari ni Malquias na anak ng hari. Walang tubig ang balon pero may putik, at halos lumubog doon si Jeremias.

Jeremiah 38:6 (UKJV) Then took they Jeremiah, and cast him into the dungeon of Malchiah the son of Hammelech, that was in the court of the prison: and they let down Jeremiah with cords. And in the dungeon there was no water, but mire: so Jeremiah sunk in the mire.

4Kaya sinabi ng mga pinunong iyon sa hari, “Kinakailangang patayin ang taong ito dahil pinahihina niya ang loob ng mga sundalong natitira sa lungsod, pati ang mga mamamayan dahil sa mga sinasabi niya sa kanila. Hindi ang kabutihan ng mga tao ang hangad niya kundi ang kapahamakan nila.”

5Sumagot si Haring Zedequias, “Ibibigay ko siya sa inyo. Gawin nʼyo sa kanya ang ibig ninyo.”

6Kaya kinuha nila si Jeremias sa kulungan at ibinaba nila sa balon na nasa himpilan ng mga guwardiya. Ang balon na ito ay pag-aari ni Malquias na anak ng hari. Walang tubig ang balon pero may putik, at halos lumubog doon si Jeremias.

7Ngunit nang nabalitaan ito ni Ebed-melec na taga-Etiopia na isa ring pinuno sa palasyo, pinuntahan niya ang hari sa palasyo. Nakaupo noon ang hari sa Pintuan ni Benjamin. Sinabi niya sa hari,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.