Jeremias 38

Kaya sinabi ng mga pinunong iyon sa hari, “Kinakailangang patayin ang taong ito dahil pinahihina niya ang loob ng mga sundalong natitira sa lungsod, pati ang mga mamamayan dahil sa mga sinasabi niya sa kanila. Hindi ang kabutihan ng mga tao ang hangad niya kundi ang kapahamakan nila.”

Jeremiah 38:4 (UKJV) Therefore the princes said unto the king, We plead to you, let this man be put to death: for thus he weakens the hands of the men of war that remain in this city, and the hands of all the people, in speaking such words unto them: for this man seeks not the welfare of this people, but the hurt.

2“Sinasabi ng Panginoon na ang sinumang manatili rito sa lungsod ay mamamatay sa digmaan, gutom at sakit. Ngunit ang sinumang susuko sa mga taga-Babilonia ay hindi mamamatay. Makakaligtas siya at mabubuhay.

3Sinasabi rin ng Panginoon na tiyak na maaagaw at sasakupin ng hari ng Babilonia ang lungsod na ito.”

4Kaya sinabi ng mga pinunong iyon sa hari, “Kinakailangang patayin ang taong ito dahil pinahihina niya ang loob ng mga sundalong natitira sa lungsod, pati ang mga mamamayan dahil sa mga sinasabi niya sa kanila. Hindi ang kabutihan ng mga tao ang hangad niya kundi ang kapahamakan nila.”

5Sumagot si Haring Zedequias, “Ibibigay ko siya sa inyo. Gawin nʼyo sa kanya ang ibig ninyo.”

6Kaya kinuha nila si Jeremias sa kulungan at ibinaba nila sa balon na nasa himpilan ng mga guwardiya. Ang balon na ito ay pag-aari ni Malquias na anak ng hari. Walang tubig ang balon pero may putik, at halos lumubog doon si Jeremias.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.