1Noong ikasampung buwan ng ikasiyam na taon ng paghahari ni Zedequias sa Juda, sumalakay si Haring Nebucadnezar ng Babilonia at ang buong hukbo niya sa Jerusalem.
2At noong ikaapat na buwan ng ikalabing-isang taon ng paghahari ni Zedequias, nawasak ng mga taga-Babilonia ang pader ng lungsod.
3Nang mapasok na nila ang Jerusalem, ang lahat ng pinuno ng hari ng Babilonia ay umupo sa Gitnang Pintuan ng lungsod. Naroon sina Nergal Sharezer na taga-Samgar, Nebo, Sarsekim na isang pinuno, at isa pang Nergal-sarezer na isang opisyal, at ang iba pang mga pinuno ng hari ng Babilonia.