26Kapag nangyari ito, sabihin mo sa kanila, ‘Nakiusap ako sa hari na huwag niya akong ibalik doon sa bahay ni Jonatan, baka mamatay ako roon.’ ”
27Pumunta nga ang mga pinuno kay Jeremias at tinanong siya. At sinagot niya sila ayon sa sinabi ng hari sa kanya, kaya hindi na sila nag-usisa pa. Walang nakarinig ng usapan ni Jeremias at ng hari.
28At nanatiling nakakulong si Jeremias doon sa himpilan ng mga guwardiya ng palasyo hanggang sa masakop ang Jerusalem. Sa ganitong paraan nasakop ang Jerusalem: