Jeremias 38

Kapag nangyari ito, sabihin mo sa kanila, ‘Nakiusap ako sa hari na huwag niya akong ibalik doon sa bahay ni Jonatan, baka mamatay ako roon.’ ”

Jeremiah 38:26 (UKJV) Then you shall say unto them, I presented my supplication before the king, that he would not cause me to return to Jonathan's house, to die there.

24Pagkatapos, sinabi ni Zedequias kay Jeremias, “Huwag mong sasabihin kaninuman ang napag-usapan natin upang hindi ka mamatay.

25Maaaring mabalitaan ng mga pinuno na nag-usap tayo. Baka puntahan ka nila at itanong sa iyo, ‘Ano ang pinag-usapan ninyo ng hari? Kung hindi mo sasabihin ay papatayin ka namin.’

26Kapag nangyari ito, sabihin mo sa kanila, ‘Nakiusap ako sa hari na huwag niya akong ibalik doon sa bahay ni Jonatan, baka mamatay ako roon.’ ”

27Pumunta nga ang mga pinuno kay Jeremias at tinanong siya. At sinagot niya sila ayon sa sinabi ng hari sa kanya, kaya hindi na sila nag-usisa pa. Walang nakarinig ng usapan ni Jeremias at ng hari.

28At nanatiling nakakulong si Jeremias doon sa himpilan ng mga guwardiya ng palasyo hanggang sa masakop ang Jerusalem. Sa ganitong paraan nasakop ang Jerusalem:

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.