Jeremias 40

Sumumpa sa kanila si Gedalias na anak ni Ahikam at apo ni Safan na hindi sila mapapahamak kung magpapasakop sila sa mga taga-Babilonia. Sinabi niya sa kanila, “Huwag kayong matakot. Manirahan kayo rito sa lupaing ito at maglingkod kayo sa hari ng Babilonia, at mapapabuti kayo.

Jeremiah 40:9 (UKJV) And Gedaliah the son of Ahikam the son of Shaphan swore unto them and to their men, saying, Fear not to serve the Chaldeans: dwell in the land, and serve the king of Babylon, and it shall be well with you.

7May ilang mga opisyal at mga sundalo ng Juda na nasa bukirin na hindi sumuko sa mga taga-Babilonia. Nabalitaan nilang si Gedalias na anak ni Ahikam ay ginawang gobernador ng hari ng Babilonia sa buong lupain upang mamuno sa mga lalaki, babae at mga bata na siyang pinakamahirap ang kalagayan na naiwan at hindi dinalang bihag sa Babilonia.

8Kaya pumunta ang mga pinunong ito kay Gedalias na nasa Mizpa. Ang mga pinunong ito ay sina Ismael na anak ni Netanias, Johanan at Jonatan na mga anak na lalaki nila Karea, Seraya na anak ni Tanhumet, ang mga anak ni Efai na taga-Netofa, at Jezanias na anak ng taga-Maaca. Sumama sa kanila ang mga tauhan nila.

9Sumumpa sa kanila si Gedalias na anak ni Ahikam at apo ni Safan na hindi sila mapapahamak kung magpapasakop sila sa mga taga-Babilonia. Sinabi niya sa kanila, “Huwag kayong matakot. Manirahan kayo rito sa lupaing ito at maglingkod kayo sa hari ng Babilonia, at mapapabuti kayo.

10Mananatili ako rito sa Mizpa upang humarap sa mga taga-Babilonia para sa inyo kapag dumating sila rito. Manirahan kayo sa kahit saang lugar na inyong gusto, at anihin ninyo ang mga ubas, mga olibo, at ang iba pang mga prutas, at iimbak ninyo sa mga lalagyan.”

11Nabalitaan din ng lahat ng Hudyo na nagsitakas sa Moab, Amon, Edom at sa iba pang mga bansa na may mga taong iniwan ang hari ng Babilonia na mga mamamayan ng Juda, at itinalaga niyang gobernador si Gedalias na anak ni Ahikam at apo ni Safan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.