Jeremias 40

May ilang mga opisyal at mga sundalo ng Juda na nasa bukirin na hindi sumuko sa mga taga-Babilonia. Nabalitaan nilang si Gedalias na anak ni Ahikam ay ginawang gobernador ng hari ng Babilonia sa buong lupain upang mamuno sa mga lalaki, babae at mga bata na siyang pinakamahirap ang kalagayan na naiwan at hindi dinalang bihag sa Babilonia.

Jeremiah 40:7 (UKJV) Now when all the captains of the forces which were in the fields, even they and their men, heard that the king of Babylon had made Gedaliah the son of Ahikam governor in the land, and had committed unto him men, and women, and children, and of the poor of the land, of them that were not carried away captive to Babylon;

5Kung gusto mo talagang magpaiwan dito, bumalik ka kay Gedalias na anak ni Ahikam at apo ni Safan. Ginawa siyang tagapangasiwa ng hari ng Babilonia sa mga bayan ng Juda. Maaari kang makapanirahang kasama niya at ng mga nasasakupan niya o kahit saan man na nais mong pumunta.” Pagkatapos, binigyan siya ni Nebuzaradan ng mga pagkain at regalo, at pinalaya.

6Kaya umalis si Jeremias at pumunta kay Gedalias na anak ni Ahikam doon sa Mizpa at tumira roon kasama ng mga taong naiwan.

7May ilang mga opisyal at mga sundalo ng Juda na nasa bukirin na hindi sumuko sa mga taga-Babilonia. Nabalitaan nilang si Gedalias na anak ni Ahikam ay ginawang gobernador ng hari ng Babilonia sa buong lupain upang mamuno sa mga lalaki, babae at mga bata na siyang pinakamahirap ang kalagayan na naiwan at hindi dinalang bihag sa Babilonia.

8Kaya pumunta ang mga pinunong ito kay Gedalias na nasa Mizpa. Ang mga pinunong ito ay sina Ismael na anak ni Netanias, Johanan at Jonatan na mga anak na lalaki nila Karea, Seraya na anak ni Tanhumet, ang mga anak ni Efai na taga-Netofa, at Jezanias na anak ng taga-Maaca. Sumama sa kanila ang mga tauhan nila.

9Sumumpa sa kanila si Gedalias na anak ni Ahikam at apo ni Safan na hindi sila mapapahamak kung magpapasakop sila sa mga taga-Babilonia. Sinabi niya sa kanila, “Huwag kayong matakot. Manirahan kayo rito sa lupaing ito at maglingkod kayo sa hari ng Babilonia, at mapapabuti kayo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.