2tumayo si Ismael na anak ni Netanias at ang sampung kasama niya at pinatay nila si Gedalias na anak ni Ahikam at apo ni Safan sa pamamagitan ng espada. Kaya napatay ang pinili ng hari ng Babilonia bilang gobernador sa buong lupain.
3Pinatay din ni Ismael at ng mga tauhan niya ang lahat ng pinuno ng mga Hudyo na nakasama ni Gedalias doon sa Mizpa, pati ang mga sundalo na taga-Babilonia.
4Kinaumagahan, bago pa malaman ng sinuman na si Gedalias ay pinatay,
5may walumpung lalaking papunta sa Mizpa mula sa Shekem, Silo, at Samaria. Inahit nila ang mga balbas nila, pinunit ang kanilang mga damit at sinugatan ang mga katawan nila bilang tanda na silaʼy nagluluksa. May mga dala silang handog upang parangalan ang Panginoon at mga insenso upang ihandog sa templo ng Panginoon.
6Sinalubong sila ni Ismael na anak ni Netanias na umiiyak mula sa Mizpa. Sinabi niya, “Tingnan ninyo ang nangyari kay Gedalias na anak ni Ahikam.”