Jeremias 41

may walumpung lalaking papunta sa Mizpa mula sa Shekem, Silo, at Samaria. Inahit nila ang mga balbas nila, pinunit ang kanilang mga damit at sinugatan ang mga katawan nila bilang tanda na silaʼy nagluluksa. May mga dala silang handog upang parangalan ang Panginoon at mga insenso upang ihandog sa templo ng Panginoon.

Jeremiah 41:5 (UKJV) That there came certain from Shechem, from Shiloh, and from Samaria, even fourscore men, having their beards shaven, and their clothes rent, and having cut themselves, with offerings and incense in their hand, to bring them to the house of the LORD.

3Pinatay din ni Ismael at ng mga tauhan niya ang lahat ng pinuno ng mga Hudyo na nakasama ni Gedalias doon sa Mizpa, pati ang mga sundalo na taga-Babilonia.

4Kinaumagahan, bago pa malaman ng sinuman na si Gedalias ay pinatay,

5may walumpung lalaking papunta sa Mizpa mula sa Shekem, Silo, at Samaria. Inahit nila ang mga balbas nila, pinunit ang kanilang mga damit at sinugatan ang mga katawan nila bilang tanda na silaʼy nagluluksa. May mga dala silang handog upang parangalan ang Panginoon at mga insenso upang ihandog sa templo ng Panginoon.

6Sinalubong sila ni Ismael na anak ni Netanias na umiiyak mula sa Mizpa. Sinabi niya, “Tingnan ninyo ang nangyari kay Gedalias na anak ni Ahikam.”

7Pagdating nila sa lungsod, ang pitumpu sa kanila ay pinatay ni Ismael na anak ni Netanias at ng mga kasamahan niya. At pagkatapos, inihulog nila ang bangkay ng mga ito sa balon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.