Jeremias 42

“Ito pa ang sinabi ng Panginoon ng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel, ‘Kung paano ko ipinadama sa mga taga-Jerusalem ang tindi ng galit ko, ipadarama ko rin sa inyo ang galit ko kung pupunta kayo sa Ehipto. Susumpain at kasusuklaman kayo ng mga tao. Kukutyain nila kayo at ituturing na masama, at hindi na kayo makakabalik pa sa lupaing ito.’

Jeremiah 42:18 (UKJV) For thus says the LORD of hosts, the God of Israel; As mine anger and my fury has been poured forth upon the inhabitants of Jerusalem; so shall my fury be poured forth upon you, when all of you shall enter into Egypt: and all of you shall be an execration, and an astonishment, and a curse, and a reproach; and all of you shall see this place no more.

16ang digmaan at taggutom na inyong kinatatakutan ay susunod sa inyo, at doon kayo sa Ehipto mamamatay.

17Ang lahat ng may nais manirahan sa Ehipto ay mamamatay sa digmaan, gutom at sakit. Walang sinuman sa kanila ang makakaligtas o makakatakas sa kapahamakang ipaparanas ko sa kanila.’

18“Ito pa ang sinabi ng Panginoon ng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel, ‘Kung paano ko ipinadama sa mga taga-Jerusalem ang tindi ng galit ko, ipadarama ko rin sa inyo ang galit ko kung pupunta kayo sa Ehipto. Susumpain at kasusuklaman kayo ng mga tao. Kukutyain nila kayo at ituturing na masama, at hindi na kayo makakabalik pa sa lupaing ito.’

19“Kayong mga natitirang taga-Juda, sinasabi ng Panginoon na huwag kayong pupunta sa Ehipto. Tandaan nʼyo ang mga babalang ito na sinabi ko sa inyo ngayon.

20Hindi mabuti ang ginawa ninyo. Hiniling ninyo sa akin na lumapit sa Panginoon na inyong Diyos at manalangin para sa inyo at sinabing gagawin ninyo ang lahat ng sasabihin niya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.