Jeremias 42

Hindi mabuti ang ginawa ninyo. Hiniling ninyo sa akin na lumapit sa Panginoon na inyong Diyos at manalangin para sa inyo at sinabing gagawin ninyo ang lahat ng sasabihin niya.

Jeremiah 42:20 (UKJV) For all of you dissembled in your hearts, when all of you sent me unto the LORD your God, saying, Pray for us unto the LORD our God; and according unto all that the LORD our God shall say, so declare unto us, and we will do it.

18“Ito pa ang sinabi ng Panginoon ng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel, ‘Kung paano ko ipinadama sa mga taga-Jerusalem ang tindi ng galit ko, ipadarama ko rin sa inyo ang galit ko kung pupunta kayo sa Ehipto. Susumpain at kasusuklaman kayo ng mga tao. Kukutyain nila kayo at ituturing na masama, at hindi na kayo makakabalik pa sa lupaing ito.’

19“Kayong mga natitirang taga-Juda, sinasabi ng Panginoon na huwag kayong pupunta sa Ehipto. Tandaan nʼyo ang mga babalang ito na sinabi ko sa inyo ngayon.

20Hindi mabuti ang ginawa ninyo. Hiniling ninyo sa akin na lumapit sa Panginoon na inyong Diyos at manalangin para sa inyo at sinabing gagawin ninyo ang lahat ng sasabihin niya.

21Ngunit ngayong sinabi ko sa inyo ang ipinasasabi niya, ayaw naman ninyong sundin ang Panginoon na inyong Diyos.

22Kaya tinitiyak ko sa inyo na mamamatay kayo sa digmaan, taggutom at sakit sa Ehipto, sa lugar kung saan nais ninyong manirahan.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.