Jeremias 42

Magustuhan man namin o hindi, bastaʼt susundin namin ang sasabihin ng Panginoon naming Diyos, upang maging mabuti ang lahat para sa amin.”

Jeremiah 42:6 (UKJV) Whether it be good, or whether it be evil, we will obey the voice of the LORD our God, to whom we send you; that it may be well with us, when we obey the voice of the LORD our God.

4Sumagot ang propetang si Jeremias, “Sige, mananalangin ako sa Panginoon na inyong Diyos para sa kahilingan nʼyo, at sasabihin ko sa inyo kung ano ang sinabi niya. Wala akong ililihim sa inyo.”

5Sinabi pa nila kay Jeremias, “Ang Panginoon na iyong Diyos ang tunay at tapat nating saksi, kung hindi namin gagawin ang lahat ng sasabihin niya sa pamamagitan mo.

6Magustuhan man namin o hindi, bastaʼt susundin namin ang sasabihin ng Panginoon naming Diyos, upang maging mabuti ang lahat para sa amin.”

7Pagkalipas ng sampung araw, nagsalita ang Panginoon kay Jeremias.

8Kaya pinatawag ni Jeremias si Johanan na anak ni Karea at ang lahat ng kasama niyang opisyal ng mga sundalo, pati ang lahat ng mamamayan mula sa pinakaaba hanggang sa pinakadakila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.