5Sinabi pa nila kay Jeremias, “Ang Panginoon na iyong Diyos ang tunay at tapat nating saksi, kung hindi namin gagawin ang lahat ng sasabihin niya sa pamamagitan mo.
6Magustuhan man namin o hindi, bastaʼt susundin namin ang sasabihin ng Panginoon naming Diyos, upang maging mabuti ang lahat para sa amin.”
7Pagkalipas ng sampung araw, nagsalita ang Panginoon kay Jeremias.
8Kaya pinatawag ni Jeremias si Johanan na anak ni Karea at ang lahat ng kasama niyang opisyal ng mga sundalo, pati ang lahat ng mamamayan mula sa pinakaaba hanggang sa pinakadakila.
9At sinabi ni Jeremias sa kanila, “Hiniling ninyo na manalangin ako sa Panginoon, ang Diyos ng Israel, at ito ang sagot niya: