Jeremias 44

Mamamatay kayong lahat, kayong mga natirang buháy sa Juda at tumira rito sa Ehipto. Hindi na kayo makakabalik sa Juda kahit gusto ninyong bumalik at manirahan doon. Walang makakabalik sa inyo maliban sa iilan na makakatakas.”

Jeremiah 44:14 (UKJV) So that none of the remnant of Judah, which are gone into the land of Egypt to sojourn there, shall escape or remain, that they should return into the land of Judah, to the which they have a desire to return to dwell there: for none shall return but such as shall escape.

12Kayong mga natitirang buhay sa Juda na nagpumilit pumunta rito sa Ehipto, mamamatay kayong lahat mula sa pinakaaba hanggang sa pinakadakila. Mamamatay kayo rito sa digmaan o sa gutom. Susumpain, kasusuklaman, mamasamain, at kukutyain kayo.

13Gagawin ko sa inyo rito sa Ehipto ang ginawa ko sa Jerusalem. Parurusahan ko rin kayo sa pamamagitan ng digmaan, gutom at sakit.

14Mamamatay kayong lahat, kayong mga natirang buháy sa Juda at tumira rito sa Ehipto. Hindi na kayo makakabalik sa Juda kahit gusto ninyong bumalik at manirahan doon. Walang makakabalik sa inyo maliban sa iilan na makakatakas.”

15Napakaraming Hudyo ang nagtipon at nakinig kay Jeremias. Nakatira sila sa hilaga at timog ng Ehipto. Ang mga lalaking naroroon at nakakaalam na ang asawa nilaʼy nagsusunog ng mga insenso sa mga diyos-diyosan, at ang lahat ng babaeng nagtitipon doon ay nagsabi kay Jeremias,

16“Hindi kami maniniwala sa mga sinasabi mo sa amin sa pangalan ng Panginoon!

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.