1Sinabi ng Panginoon kay Jeremias ang tungkol sa lahat ng Hudyo na naninirahan sa gawing hilaga ng Ehipto sa mga lungsod ng Migdol, Tapanhes, at Memfis pati ang mga naroon sa gawing timog ng Ehipto.
2Ito ang sinabi ng Panginoon ng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel, “Nakita ninyo ang kapahamakang pinaranas ko sa Jerusalem at sa lahat ng bayan ng Juda. Wasak na ito ngayon at wala nang naninirahan doon,
3dahil sa kasamaang ginawa ng mga mamamayan nila. Ginalit nila ako sa pagsusunog nila ng mga insenso at pagsamba sa mga diyos-diyosan na hindi nila kilala o ng mga ninuno nila.
4Palagi kong isinusugo ang mga lingkod ko na mga propeta upang bigyan sila ng babala na huwag nilang gagawin ang bagay na iyon na kasuklam-suklam sa akin at kinapopootan ko,