20Kaya sinabi ni Jeremias ang ganito sa mga nangangatwiran sa kanya,
21“Akala ba ninyoʼy hindi alam ng Panginoon na kayo at ang inyong mga ninuno, ang inyong mga hari at mga pinuno, at ang lahat ng mamamayan ay nagsunog ng insenso sa mga diyos-diyosan sa mga bayan ng Juda at sa mga lansangan ng Jerusalem?
22At nang hindi na matiis ng Panginoon ang mga kasamaan at kasuklam-suklam ninyong gawa, winasak niya ang lupain ninyo at naging kasumpa-sumpa at malungkot dahil wala nang nakatira, katulad ng nangyari ngayon.
23Nangyari ang kapahamakang ito sa inyo dahil nagsunog kayo ng mga insenso sa mga diyos-diyosan at nagkasala sa Panginoon. Hindi kayo sumunod sa mga kautusan, mga tuntunin at mga katuruan niya.”
24Sinabi pa ni Jeremias sa mga tao, “Pakinggan ninyo ang mensahe ng Panginoon, kayong mga taga-Juda na nakatira rito sa Ehipto.