Jeremias 44

“Akala ba ninyoʼy hindi alam ng Panginoon na kayo at ang inyong mga ninuno, ang inyong mga hari at mga pinuno, at ang lahat ng mamamayan ay nagsunog ng insenso sa mga diyos-diyosan sa mga bayan ng Juda at sa mga lansangan ng Jerusalem?

Jeremiah 44:21 (UKJV) The incense that all of you burned in the cities of Judah, and in the streets of Jerusalem, all of you, and your fathers, your kings, and your princes, and the people of the land, did not the LORD remember them, and came it not into his mind?

19Sinabi rin ng mga babae, “Alam ng mga asawa namin kapag magsusunog kami ng mga insenso para sa Reyna ng Langit at mag-aalay ng mga handog na inumin, at magluluto ng tinapay na katulad ng larawan niya.”

20Kaya sinabi ni Jeremias ang ganito sa mga nangangatwiran sa kanya,

21“Akala ba ninyoʼy hindi alam ng Panginoon na kayo at ang inyong mga ninuno, ang inyong mga hari at mga pinuno, at ang lahat ng mamamayan ay nagsunog ng insenso sa mga diyos-diyosan sa mga bayan ng Juda at sa mga lansangan ng Jerusalem?

22At nang hindi na matiis ng Panginoon ang mga kasamaan at kasuklam-suklam ninyong gawa, winasak niya ang lupain ninyo at naging kasumpa-sumpa at malungkot dahil wala nang nakatira, katulad ng nangyari ngayon.

23Nangyari ang kapahamakang ito sa inyo dahil nagsunog kayo ng mga insenso sa mga diyos-diyosan at nagkasala sa Panginoon. Hindi kayo sumunod sa mga kautusan, mga tuntunin at mga katuruan niya.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.