17Gagawin namin ang lahat ng nais naming gawin: Magsusunog kami ng mga insenso sa aming diyosa na ‘Reyna ng Langit’! At maghahandog kami sa kanya ng mga handog na inumin gaya ng ginawa namin sa mga bayan ng Juda at lansangan ng Jerusalem. Ito rin ang ginawa ng aming mga ninuno at ng aming mga hari at mga pinuno. Mabuti ang kalagayan namin noon; marami kaming pagkain, at walang masamang nangyayari sa amin.
18Ngunit nang tumigil kami sa pagsusunog ng insenso sa Reyna ng Langit at wala na kaming mai-alay sa kanya ng mga handog na inumin, naghirap kami at marami ang namatay sa digmaan at gutom.”
19Sinabi rin ng mga babae, “Alam ng mga asawa namin kapag magsusunog kami ng mga insenso para sa Reyna ng Langit at mag-aalay ng mga handog na inumin, at magluluto ng tinapay na katulad ng larawan niya.”
20Kaya sinabi ni Jeremias ang ganito sa mga nangangatwiran sa kanya,
21“Akala ba ninyoʼy hindi alam ng Panginoon na kayo at ang inyong mga ninuno, ang inyong mga hari at mga pinuno, at ang lahat ng mamamayan ay nagsunog ng insenso sa mga diyos-diyosan sa mga bayan ng Juda at sa mga lansangan ng Jerusalem?