15Napakaraming Hudyo ang nagtipon at nakinig kay Jeremias. Nakatira sila sa hilaga at timog ng Ehipto. Ang mga lalaking naroroon at nakakaalam na ang asawa nilaʼy nagsusunog ng mga insenso sa mga diyos-diyosan, at ang lahat ng babaeng nagtitipon doon ay nagsabi kay Jeremias,
16“Hindi kami maniniwala sa mga sinasabi mo sa amin sa pangalan ng Panginoon!
17Gagawin namin ang lahat ng nais naming gawin: Magsusunog kami ng mga insenso sa aming diyosa na ‘Reyna ng Langit’! At maghahandog kami sa kanya ng mga handog na inumin gaya ng ginawa namin sa mga bayan ng Juda at lansangan ng Jerusalem. Ito rin ang ginawa ng aming mga ninuno at ng aming mga hari at mga pinuno. Mabuti ang kalagayan namin noon; marami kaming pagkain, at walang masamang nangyayari sa amin.
18Ngunit nang tumigil kami sa pagsusunog ng insenso sa Reyna ng Langit at wala na kaming mai-alay sa kanya ng mga handog na inumin, naghirap kami at marami ang namatay sa digmaan at gutom.”
19Sinabi rin ng mga babae, “Alam ng mga asawa namin kapag magsusunog kami ng mga insenso para sa Reyna ng Langit at mag-aalay ng mga handog na inumin, at magluluto ng tinapay na katulad ng larawan niya.”