Jeremias 44

Kung mayroon mang matitira sa digmaan at makakabalik sa Juda ay kakaunti lamang. Dahil dito, malalaman ng mga natitira na naninirahan ngayon dito sa Ehipto kung kaninong salita ang masusunod – ang sa kanila o ang sa akin.

Jeremiah 44:28 (UKJV) Yet a small number that escape the sword shall return out of the land of Egypt into the land of Judah, and all the remnant of Judah, that are gone into the land of Egypt to sojourn there, shall know whose words shall stand, mine, or their's.

26Ngunit makinig kayo sa mensahe ng Makapangyarihang Panginoon, kayong mga taga-Juda na nakatira sa Ehipto. Isinusumpa ko sa sarili ko na mula ngayoʼy wala nang babanggit sa inyo ng pangalan ko. Hindi ko na papayagang gamitin ninyo ang pangalan ko sa inyong panunumpa katulad nito, “Sumusumpa ako sa pangalan ng buháy na Makapangyarihang Panginoon.”

27Sapagkat sa halip na ingatan ko kayo para sa ikabubuti ninyo, ipapahamak ko kayo. Mamamatay kayo rito sa Ehipto sa digmaan o gutom hanggang sa maubos kayong lahat.

28Kung mayroon mang matitira sa digmaan at makakabalik sa Juda ay kakaunti lamang. Dahil dito, malalaman ng mga natitira na naninirahan ngayon dito sa Ehipto kung kaninong salita ang masusunod – ang sa kanila o ang sa akin.

29“ ‘Ito ang tanda na parurusahan ko kayo sa lugar na ito,’ sabi ng Panginoon, ‘upang malaman ninyo na talagang matutupad ang kapahamakang sinabi ko laban sa inyo.’

30Ito ang sinasabi ng Panginoon: ‘Ibibigay ko si Faraon Hofra na hari ng Ehipto sa mga kaaway niya na nais pumatay sa kanya katulad ng ginawa ko kay Zedequias ng Juda sa kaaway niyang si Haring Nebucadnezar ng Babilonia na nais ding pumatay sa kanya.’ ”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.