Jeremias 44

“ ‘Ito ang tanda na parurusahan ko kayo sa lugar na ito,’ sabi ng Panginoon, ‘upang malaman ninyo na talagang matutupad ang kapahamakang sinabi ko laban sa inyo.’

Jeremiah 44:29 (UKJV) And this shall be a sign unto you, says the LORD, that I will punish you in this place, that all of you may know that my words shall surely stand against you for evil:

27Sapagkat sa halip na ingatan ko kayo para sa ikabubuti ninyo, ipapahamak ko kayo. Mamamatay kayo rito sa Ehipto sa digmaan o gutom hanggang sa maubos kayong lahat.

28Kung mayroon mang matitira sa digmaan at makakabalik sa Juda ay kakaunti lamang. Dahil dito, malalaman ng mga natitira na naninirahan ngayon dito sa Ehipto kung kaninong salita ang masusunod – ang sa kanila o ang sa akin.

29“ ‘Ito ang tanda na parurusahan ko kayo sa lugar na ito,’ sabi ng Panginoon, ‘upang malaman ninyo na talagang matutupad ang kapahamakang sinabi ko laban sa inyo.’

30Ito ang sinasabi ng Panginoon: ‘Ibibigay ko si Faraon Hofra na hari ng Ehipto sa mga kaaway niya na nais pumatay sa kanya katulad ng ginawa ko kay Zedequias ng Juda sa kaaway niyang si Haring Nebucadnezar ng Babilonia na nais ding pumatay sa kanya.’ ”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.