Jeremias 48

Kayong mga nasa Aroer, tumayo kayo sa tabi ng daan at magbantay. Magtanong kayo sa mga nakatakas kung ano ang nangyari.

Jeremiah 48:19 (UKJV) O inhabitant of Aroer, stand by the way, and monitor; ask him that flees, and her that escapes, and say, What is done?

17Umiyak kayo, kayong lahat na kakampi ng Moab! Sabihin ninyo, ‘Wala na ang Moab! Nabali na ang kanyang tungkod, ang tungkod na sagisag ng kapangyarihan at katanyagan niya.’

18“Kayong mga taga-Dibon, magpakumbaba kayo at maupo sa lupa dahil ang nagwasak sa Moab ay sasalakay din sa inyo at gigibain ang mga lungsod ninyo na napapalibutan ng mga pader.

19Kayong mga nasa Aroer, tumayo kayo sa tabi ng daan at magbantay. Magtanong kayo sa mga nakatakas kung ano ang nangyari.

20Sasagot sila, ‘Nawasak at napahiya ang Moab. Humiyaw kayo at umiyak. Isigaw ninyo sa Arnon na nawasak ang Moab.’

21Parurusahan din ang mga bayan sa talampas: ang Holon, Jaza, Mefaat,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.