1Ito ang sinabi ng Panginoon ng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel, tungkol sa Moab: “Kahabag-habag ang Nebo sapagkat itoʼy mawawasak. Mapapahiya at bibihagin ang Kiryataim; at matitibag ang mga muog nito.
2Ang kadakilaan ng Moab ay naglaho na. Sa Hesbon, nagbabalak ang mga kaaway niya; sabi nila, ‘Halikayo, wasakin natin ang bansa nila.’ At kayong mga mamamayan ng Madmen, tatahimik kayo, dahil kayo ay sasalakayin ng mga sundalo.
3Pakinggan nʼyo ang sigawan sa Horonaim, dahil sa matinding digmaan at kapahamakan.
4Mawawasak ang Moab at mag-iiyakan ang mga bata.