Jeremias 48

“Lasingin ninyo ang Moab dahil naghimagsik siya sa Panginoon. Gugulong siya sa sariling suka at magiging katawa-tawa.

Jeremiah 48:26 (UKJV) Make all of you him drunken: for he magnified himself against the LORD: Moab also shall wallow in his vomit, and he also shall be in derision.

24Keriot at Bozra. Darating na ang parusa sa lahat ng bayan ng Moab, sa malayo at malapit.

25Ubos na ang lakas ni Moab, at ang kanyang kapangyarihan ay wasak na,” wika ng Panginoon.

26“Lasingin ninyo ang Moab dahil naghimagsik siya sa Panginoon. Gugulong siya sa sariling suka at magiging katawa-tawa.

27Kayong mga taga-Moab, hindi baʼt kinutya ninyo ang Israel? Bakit, nahuli ba siyang nagnakaw? Bakit iiling-iling pa kayo sa pagkutya ninyo sa kanya?

28Umalis na kayo sa bayan nʼyo at tumira sa mababatong lugar, kayong mga nakatira sa Moab. Maging tulad kayo ng mga kalapating nagpupugad sa mga bitak ng matatarik at mababatong lugar.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.