4Mawawasak ang Moab at mag-iiyakan ang mga bata.
5Ang mga mamamayan ng Moab ay mag-iiyakan nang malakas habang paakyat sila sa Luhit at pababa sa Horonaim. Mag-iiyakan sila dahil sa kapahamakan.
6Iligtas ninyo ang inyong sarili! Tumakas kayo papuntang ilang.
7Mga taga-Moab, nagtitiwala kayo sa kakayahan at kayamanan ninyo kaya bibihagin kayo pati ang diyos-diyosan ninyong si Cemos at ang mga pari at mga pinuno nito.
8Darating ang manlilipol sa bawat bayan at walang bayang makakaligtas. Mawawasak ang mga bayan sa lambak at talampas. Mangyayari ito dahil sinabi mismo ng Panginoon.