Jeremias 49

“Susunugin ko ang mga pader ng Damasco, pati ang matitibay na palasyo ni Haring Ben-hadad.”

Jeremiah 49:27 (UKJV) And I will kindle a fire in the wall of Damascus, and it shall consume the palaces of Benhadad.

25Ang tanyag at masayang lungsod ng Damasco ay itinakwil.

26Ang mga kabataan niyang lalaki ay mamamatay sa mga lansangan pati ang lahat ng kanyang kawal,” wika ng Panginoong Diyos ng mga Hukbo.

27“Susunugin ko ang mga pader ng Damasco, pati ang matitibay na palasyo ni Haring Ben-hadad.”

28Ito ang sinabi ng Panginoon tungkol sa Kedar at mga kaharian ng Hazor na sinalakay ni Haring Nebucadnezar ng Babilonia: “Humanda kayo at salakayin ninyo ang Kedar. Lipulin ninyo ang mga taong ito ng silangan.

29Ang mga tolda, kawan, mga ari-arian, at mga kamelyo nila ay sasamsamin. Sisigaw sila, ‘Napapaligiran tayo ng mga nakakatakot nating kaaway.’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.