23Ito ang mensahe tungkol sa Damasco: “Natakot ang mga taga-Hamat at taga-Arpad sa masasamang balita na kanilang narinig. Naguguluhan at nanlulupaypay sila, at hindi mapalagay katulad ng maalong dagat.
24Nanghihina ang mga taga-Damasco at tumakas sila dahil sa takot. Takot at sakit ng damdamin ang nararamdaman nila na para bang babaeng malapit nang manganak.
25Ang tanyag at masayang lungsod ng Damasco ay itinakwil.
26Ang mga kabataan niyang lalaki ay mamamatay sa mga lansangan pati ang lahat ng kanyang kawal,” wika ng Panginoong Diyos ng mga Hukbo.
27“Susunugin ko ang mga pader ng Damasco, pati ang matitibay na palasyo ni Haring Ben-hadad.”