Jeremias 49

Nanghihina ang mga taga-Damasco at tumakas sila dahil sa takot. Takot at sakit ng damdamin ang nararamdaman nila na para bang babaeng malapit nang manganak.

Jeremiah 49:24 (UKJV) Damascus is waxed feeble, and turns herself to flee, and fear has seized on her: anguish and sorrows have taken her, as a woman in travail.

22Tingnan nʼyo! Ang kaaway ay parang agila na lumilipad na dadagit sa mga taga-Bosra. Sa panahong iyon, matatakot at magiging parang babaeng malapit nang manganak ang mga sundalo sa Edom.

23Ito ang mensahe tungkol sa Damasco: “Natakot ang mga taga-Hamat at taga-Arpad sa masasamang balita na kanilang narinig. Naguguluhan at nanlulupaypay sila, at hindi mapalagay katulad ng maalong dagat.

24Nanghihina ang mga taga-Damasco at tumakas sila dahil sa takot. Takot at sakit ng damdamin ang nararamdaman nila na para bang babaeng malapit nang manganak.

25Ang tanyag at masayang lungsod ng Damasco ay itinakwil.

26Ang mga kabataan niyang lalaki ay mamamatay sa mga lansangan pati ang lahat ng kanyang kawal,” wika ng Panginoong Diyos ng mga Hukbo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.