Jeremias 49

“Umiyak kayo nang malakas, kayong mga taga-Hesbon dahil wasak na ang Ai. Umiyak din kayong mga taga-Rabba. Magdamit kayo ng damit na sako at magparooʼt parito sa gilid ng pader upang ipakita ang inyong pagluluksa. Sapagkat bibihagin ang diyos-diyosan nʼyong si Molec pati ang mga pari at pinuno niya.

Jeremiah 49:3 (UKJV) Wail, O Heshbon, for Ai is spoiled: cry, all of you daughters of Rabbah, gird you with sackcloth; lament, and run back and forth by the hedges; for their king shall go into captivity, and his priests and his princes together.

1Ito naman ang sinabi ng Panginoon tungkol sa mga Amonita: “Wala bang lahi si Israel na magmamana ng lupaing ito? Kayong mga sumasamba sa diyos-diyosang si Molec, bakit kayo nakatira sa mga bayan ng lupain ni Gad?

2Darating ang araw,” sabi ng Panginoon, “na ipapasalakay ko sa mga kaaway ang Rabba. Wawasakin ang lungsod nʼyong ito pati ang mga baryo sa palibot ay susunugin. Sa ganitong paraan, mapapalayas ng mga taga-Israel ang mga nagpalayas sa kanila,” sabi ng Panginoon.

3“Umiyak kayo nang malakas, kayong mga taga-Hesbon dahil wasak na ang Ai. Umiyak din kayong mga taga-Rabba. Magdamit kayo ng damit na sako at magparooʼt parito sa gilid ng pader upang ipakita ang inyong pagluluksa. Sapagkat bibihagin ang diyos-diyosan nʼyong si Molec pati ang mga pari at pinuno niya.

4Kayong mga taksil, bakit ninyo ipinagyayabang ang inyong masaganang mga kapatagan? Nagtitiwala kayo sa inyong kayamanan at sinasabi ninyong walang sasalakay sa inyo.

5Magpapadala ako sa inyo ng mga kaaway mula sa mga bansa sa palibot ninyo upang takutin kayo,” sabi ng Panginoong Diyos ng mga Hukbo. “Palalayasin nila kayo sa inyong lupain at walang sinumang makakatulong sa inyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.