34Ito ang salita ng Panginoon na ipinahayag niya kay propeta Jeremias tungkol sa Elam noong nagpasimulang maghari si Zedequias sa Juda.
35Sinabi ng Panginoong Diyos ng mga Hukbo, “Papatayin ko ang mga tagapana ng Elam, ang pinakamahusay nilang mga kawal.
36Sasalakayin ang Elam ng mga kaaway mula sa lahat ng panig, at ikakalat ko ang kanyang mga mamamayan sa lahat ng dako. Bibihagin sila sa lahat ng bansa sa buong daigdig.
37Lilipulin ko ang mga taga-Elam sa pamamagitan ng kanilang mga kaaway na nais pumatay sa kanila. Talagang ipapadala ko sa kanila ang kapahamakan dahil sa matindi kong galit sa kanila,” sabi ng Panginoon. “Ipapasalakay ko sila sa kanilang mga kaaway hanggang sa mawala silang lahat.
38Papatayin ko ang hari at ang mga pinuno ng Elam, at itatayo ko roon ang aking trono,” sabi ng Panginoon.